TOKYO, Japan – Dalawang katawan ang natagpuan matapos ang pagragasa ng landslide sa isang resort town sa sentrong bahagi ng Japan kung saan ilang kabahayan ang nilamon ng putik nitong Sabado kasunod ang ilang araw na malakas na pagbuhos ng ulan, habang nasa 20 pa ang nawawala, ayon sa mga opisyal.
Sa mga footage makikita ang pagtapon ng rumaragasang putik at lupa sa mga nadaanan nitong gusali pababa ng hillside ng Atami City, sa southwest ng Tokyo.
“I heard a horrible sound and saw a mudslide flowing downwards as rescue workers were urging people to evacuate. So I ran to higher ground,” pagbabahagi ng pinuno ng isang templo malapit sa lugar ng sakuna sa public broadcaster NHK.
“When I returned, houses and cars that were in front of the temple were gone.”
Sa pahayag ni Prime Minister Yoshihide Suga, naglunsad na ng rescue at evacuation missions ang military, habang patuloy ang banta ng pagbuhos ng malakas na ulan.
“There is a possibility of heavy rain due to the rain front, so we still need to be alert at the maximum level,” saad ng Prime Minister sa isang emergency disaster meeting.
Tumanggap ang Atami ng 313 millimetres ng ulan sa loob lamang ng 48 oras hanggang nitong Sabado.
Dalawang bangkay ang natapuan “in a state of cardio and respiratory arrest” ayon sa regional governor, isang pahayag na kadalasang ginagamit sa Japan bago kumpirmahin ang pagkamatay.
“Because of the heavy rain, the ground loosened and the mudslide occurred… it picked up speed and swept away houses together with people,” dagdag pa ni Shizuoka Governor Heita Kawakatsu.
Nasa 20 pang katao ang nananatiling nawawala matapos ang landslide.
Agence-France-Presse