Umabot na sa 17 na sundalo ang binawian ng buhay at 35 pa ang naiulat na nawawala sa pagbagsak ng isang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa Sulu, nitong Linggo ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at sinabing ang bangkay ng 17 na sundalo ay nakuha mismo sa Barangay Bangkal, Patikul kung saan nangyari ang insidente.

Bukod sa 35 na nawawala, aabot naman sa 40 ang naiulatna nasugatan.

Patungo sana ang naturang C-130-H Hercules na may tail No. 5125 sa Jolo Airport sa Sulu galing ng Lumbia Airport sa Cagayan de Oro lulan ang 92 sundalo, kabilang tatlong piloto, tatlong crew nang maganap ang insidente, ayon kay Lorenzana.

Probinsya

Pugot na bangkay ng isang lalaki, natagpuang palutang-lutang sa ilog

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente, ayon pa sa militar.