Sisibakin si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng PDP-Laban sa katapusan ng buwang ito kung kaya siya ay lilipat sa Partido Reporma ng pinatalsik na House Speaker na si Pantaleon Alvarez.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang chairman ng PDP-Laban at vice chairman nito si Energy Secretary Ernesto Cusi.
Sinabi ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, Jr., spokesman ni ex-Defense Secretary Gilbert Teodoro, malamang na patalsikin si Pacquiao sa partido dahil sa pakikipag-alitan sa Pangulo.
Narinig aniya nito na ang kampo ni Pacquiao ay sasanib sa grupo ni Alvarez kapag ito ay "pinalayas" bilang acting president ng PDP-Laban. Si Alvarez ay sinibak bilang Speaker noon dahil sa pakikipag-away kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Kaugnay nito, sinabi ni Alvarez na kumalas din sa PDP-Laban noong nakaraang taon, na nagpahayag na ang Partido Reporma na maglulunsad o maglalagay din ng mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo sa May 2022 elections.
Bert de Guzman