Ligtas at epektibo ang CoronaVac, mas kilala bilang Sinovac vaccine para sa COVID-19 na binuo at ginawa sa China, para sa mga kabataan, base sa The Lancet Journal, ang nangungunang medical journal sa buong mundo.

“CoronaVac was well tolerated and safe and induced humoral responses in children and adolescents aged 3–17 years,” ayon sa report ng The Lancet Journal nitong Hunyo 28.

Sa pag-aaral, dalawang doses ng bakuna na ibinigay 28 na araw ang pagitan, ay makagagawa ng malakas na antibodies sa mga batang edad 3 hanggang 17.

Nagsagawa ang mga Chinese researchers ng “randomized, double-blind, controlled phase 1/2 clinical trial” sa Zanhuang County, China. Ibinigay ang bakuna sa higit 500 na malulusog na bata at kabataan, kung saan 96 porsiyento ang nakapag-develop ng Sars-CoV-2 antibodies.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ayon kay Sinovac General Manager Gao Quiang, dahil sa matagumpay na resulta, patuloy na magsasagawa ang kumpanya ng malakihang multi ethnic population studies para makapagbigay ng mas mahalagang datos sa immunization strategies sa mga bata at kabataan.

Ayon sa influential British medical journal, ang pag-aaral sa CoronaVac o Sinovac ay pinondohan ng Chinese National Key Research and Development Program at ng Beijing Science and Technology Program.

Roy Mabasa