Tinawag ng isang grupo ng kababaihan si Pangulong Rodrigo Duterte na “shameless” at “dishonorable” matapos sabihin ng pangulo sa publiko na ikonsidera siya bilang kandidato sa pagkabise presidente sa 2022.

Sa pahayag, sinabi ni Gabriela Secretary-General Joms Salvador na nais ng pangulo na i-demote ang sarili nito bilang bise presidente “just to get away with mass murder and form a political dynasty” kasama ang anak nitong si Sara Duterte.

“For all his pathetic displays of bravado and machismo, Duterte naturally shows his cowardice by deciding to run for the vice presidency in 2022 elections. He knows too well the lesson from history: a dictator is bound to fall,” ayon kay Salvador.

Dagdag pa niya, “frightened” at “desperate” ang pangulo sa kapangyarihan matapos magdesisyon ang International Criminal Court (ICC)na iimbestigahan ang war on drugs at Davao City killings mula 2011 hanggang 2016.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naglabas din ang ICC ng panawagan para sa pamilya ng mga biktima sa War on Drugs na magsumite ng kanilang mga alalahanin at pananaw kaugnay sa kahilingan nitong mag-imbestiga.

“Duterte realizes that there is no alternative left in order for him to escape justice but to die clinging to his throne,” dagdag ni Salvador.

Gabriella Baron