Humingi si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ng legal advice sa mga mahistrado ng KorteSuprema kaugnay nang paggamit ng body camera ng mga pulis.

Kabilang sa kapulong ni Eleazar sina Chief Justice Alexander Gesmundo, Associatie Justices Marvic Leonen, Rodil Zalameda, Samuel Gaerlan at Jhosep Lopez. Nakibahagi rin sa kanila si Justice Rosmari Carandang sa pamamagitan ng video conference.

Noong Hunyo 11, inihayag ni Gesmundo na gumagawa na sila ng alituntunin at inaasahang maaprubahan na ang final version nito ngayong buwan.

Tiniyak naman ng Korte Suprema na hindi lalabag sa Konstitusyon at sa Rules of Court ang nilalaman ng kanilang final version.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Matatandaang bumili ang PNP ng 2,696 na body camera na ipinamigay sa iba’t ibang presinto upang magamit nila kontra kriminalidad.

Jun Fabon