Tokyo, Japan — Nilamon ng landslide ang ilang kabahayan habang 19 na katao ang napaulat na nawawala sa Shizuoka region sa Japan nitong Sabado, ayon sa lokal na opisyal, kasunod ng ilang araw na malakas na pag-ulan.

Sa isang video, makikita ang pagragasa ng makapal na putik at lupa na lumamon sa ilang kabahayan sa Atami city, makikita rin ang mga nagtatakbuhang tao palayo sa lugar.

“The safety of 19 people is unknown after the landslide,” pahayag ng Shizuoka prefecture official na nakatuon sa disaster management.

Agad naming nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng military assistance para sa rescue mission, aniyaAgence-France-Presse

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Naganap ang landslide dakong 10:30 ng umaga ngayong Sabado, ayon sa Atami city official, kung saan “several houses were swept away” at 200 kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Malaking bahagi ng bansa ang dumaranas ng rainy season, na kalimitang nagdudulot ng pagbaha at landslide.

Tumanggap ang Atami city ng 313 millimetres ng ulan sa loob ng 48 oras hanggang nitong Sabado—na higit na mataas sa monthly average na 242.5 millimetres, ayon sa public broadcaster NHK.

Agence-France-Presse