PHNOM PENH — Fully vaccinated na ng Sinovac COVID-19 vaccine ang 101-anyos na babae sa Cambodia na si Ho Kham. Isa siya sa mga matatandang tao sa bansa na nabakunahan ng dalawang doses ng Sinovac vaccine.

Photo by: Xinhua

Sakay ng isang wheelchair kasama ang kanyang anak ay nagpunta ang ginang sa inoculation site sa kapital ng Phnom Penh nitong Biyernes para sa kanyang pangalawang dose.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Nag-volunteer si Kham, na isa ring French citizen, na mabakunahan ng Sinovac vaccine matapos magdesisyon ang kanyang French doctor na ligtas sa kanya na makatanggap ng bakuna, ayon ito sa kanyang 65-year-old na anak, si Seng Sarin.

“She’s keen to get the jab by herself because she wants to stay safe during the pandemic,” ayon kay Sarin, sa ngalan ng kanyang ina, na kaunting Khmer language lamang ang alam dahil nanirahan ito sa France mula noong 1980 at kababalik lang ng Cambodia apat na taon na nakalipas.

“The vaccine is quite safe, I see no any side effect since she has gotten her first dose,” dagdag pa niya.

Ayon sa Cambodian health ministry’s secretary of state and spokeswoman Or Vandine, ang pagbabakuna kay Kham ay magbibigay inspirasyon sa iba para maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.

“This clearly shows that vaccine is very important to protect lives,” pagbabahagi nito. “Either Sinovac or other vaccines approved by the World Health Organization are safe, effective and save lives.”

Aniya, walong katao na may edad 100-103 ang nabakunahan na sa bansa.

Nagbigay naman ng bulaklak at pagbati si Minister Counselor Chang Jian ng Chinese Embassy kay Kham.

Sinabi ni Chang na sa pamumuno ni Prime Minister Samdech Techo Hun Sen at kooperasyon ng China at Cambodia, mapagtatagumpayan ng Cambodia ang laban sa pandemya.

Xinhua