Isang Batangueño ang buena manong naging instant milyonaryo ngayong buwan matapos na magwagi ng ₱84-milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Huwebes ng gabi, Hulyo 1.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 10-20-32-40-08-11 kaya't napanalunan niya ang jackpot prize na P84,057,406.

Idinagdag pa ni Garma, ang lucky ticket ay nabili sa Nasugbu, Batangas.

Mary Ann Santiago

Probinsya

Barangay tanod na bibili lang ng pagkain, itinumba; tindera, nadamay rin!