BACOLOD CITY— Kapag nakakita ng kabaong ang isang tao, baka manginig ito dahil sinisimbolo nito ang kamatayan.

(Photo courtesy of Brylle Sy/MANILA BULLETIN)

Ngunit ang magkape habang nakaupo sa kabaong, para kay 24-year-old Brylle Sy, kinokonsidera niya itong unique experience.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Matatagpuan ang coffee shop na ito sa likod ng punerarya at malapit sa hospital ng Barangay 9 at ito ay binuksan nitong Abril.

Hindi intensyon ni Sy ang manakot ng ibang tao. Katunayan, gusto nilang ma-educate at mabura sa yung takot ng mga tao sa kabaong.

Para kay Sy, hindi sinisimbolo ng kabaong ang kalungkutan. Ito raw ay ‘perception’ lamang.

Photo from: Coffin Break Bistro Facebook Page

“In the modern setting, just like what I tried, coffins can also be used for multi-purposes not just for the dead, but also as a colorful fixture and furniture in a coffee shop,”ayon kay Sy na tubong Bago City, Negros Occidental.

Masaya si Sy sa mga positibong komento ng mga taong nagpupunta sa kanyang coffee shop. “We really appreciate it,” dagdag niya.

Naghahain din ang Coffin Break ng mga pagkain at alcoholic drinks na nakadepende sa guidelines na community quarantine status ng lugar.

Photo from: Coffin Break Bistro Facebook Page

Ayon kay Sy, hindi raw ito ang orihinal na plano ng kanyang pamilya, ang nais nila ay magtayo ng opisina para sa mga kliyente ng kanilang funeral business na matatagpuan sa Bgy. Taloc, Bago City.

“Kabudlay abi na ang iban bala need pa magpa Bago City, which is outside Bacolod, para mag transact sa amon, so amo na nag think kami to open an office here” (It was difficult for our clients to go to our funeral parlor in Bago City, thus we decided to open an office here for their convenience),” aniya.

Subalit malaki ang lugar para sa isang opisina, naisip ni Sy na gawing coffee shop ang natitirang lugar, para magkaroon ng maayos na lugar ang kanilang kliyente habang naghihintay para sa transaksyon sa kanilang empleyado.

Noong una, normal na kapehan lamang ito, pero lumipas ang mga oras, naging mas creative siya at nagdesisyon na mag display ng full glass na kabaong sa coffee shop.

Ayon pa kay Sy, ang itim at peach na kabaong na nakadisplay sa coffee shop ay brand new at ginawa ng kanyang mga empleyado sa kanilang punerarya Nagkakahalaga ang bawat isa ng P100,000 para sa complete package.

Aniya, ang mga lamesa ay gawa sa mga snippet ng kabaong.

Glazyl Masculino