Marami ang naniniwala na si Bea Alonzo ang pinatatamaan ni director-producer Erick C. Salud sa kanyang post kamakailan sa social media.

Base na rin ito sa mga “clues” na mapapansin sa pahayag ng director.

Tweet ni Erick: “So ayun nga. Lumipat nga ang isang aktres. Bakit kaya? Eh may project siya na nasimulan at na promote na prior pandemic. (Tapos) say niya, di pa siya ready mag shooting. Ayun pala lilipat. AAAARTE!!!! Naghihirap ba siya? Eh may big farm nga. Kaloka siya!!!”

Matatandaang ngayong taon lamang ipinasilip ni Bea sa publiko ang kanyang 10 years nang 16-hectare na farm na Zambales.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Sa proyekto naman na nabanggit ni Erick, kumbinsido ang ibang netizens na ito ay ang serye sa ABS-CBN na nakatakda dapat gawin ni Bea kasama sina Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Christian Bables, at Jameson Blake.

Matatandaang Hulyo 2019, in-upload ng Star Magic ang ilang larawan ng mga nabanggit na artista na kuha sa kanilang story conference.

Enero 2020 naman, ibinahagi ng Star Creatives Television ang isang larawan ng mga kaparehong actor na kuha sa isang promotional photo shoot.

https://web.facebook.com/officialstarcreativestv/posts/909489912786800

Samantala, tila suportado naman ni dating ABS-CBN executive Ethel M. Espiritu ang pahayag ni Erick.

Sa Twitter, nabanggit nito na may iba’t ibang istorya ang bawat artista na lumilipat sa ibang istasyon at may ilang mauunawaan naman.

Pero para sa dating Kapamilya executive, kung may “unfinished business” ang artista pero pinili nitong umalis, it’s a big “turnoff.”

“Unless (may) very valid reason siya. BUT, otherwise? INCONSIDERATE. Sabi ng iba? INGRATO,” say pa nito.

https://twitter.com/EthelMEspiritu/status/1410505093636444164?s=03

Walang binabanggit na pangalan, sinabi pa ni Ethel kung gaaano ka-“offensive” na iwan sa ere ang ibang tao.

“Sana naisip din niya, yung mga nagsimula at naghirap para sa project. Yung mga kasamahang artista na umasa at naantala sa paghintay sa kanya,” saad pa niya.

https://twitter.com/EthelMEspiritu/status/1410521893166219266?s=03

Sinabi naman ni Ethel na walang masama na lumipat kung saan may oportunidad pero dapat siguruhin na maayos ito sa mga taong iiwanan mo. “They always say, don’t burn bridges. I hope she didn’t.”

https://twitter.com/EthelMEspiritu/status/1410522625802047496?s=03

Nilinaw naman ni Ethel na hindi na bahagi si Ethel ng ABS-CBN, last year pa.

Bago ito, nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Bea matapos siyang ianunsiyo bilang bagong Kapuso.

Kanya-kanya rin ang nagging reaksyon ditto ng mga netizens.

Habang marami ang masaya para sa aktres, may ilang hindi natutuwa sa pag-iwan niya sa ABS-CBN matapos ang 20 taon.