Pinayuhan nina Senate President  Senate President Vicente Sotto III at Senator Panfilo Lacson si Senador Manny Pacquiao na kailangang matibay ang kanyang ebidensya laban sa pamahalaan  hinggil  sa sinasabi nitong katiwalian.

"Our advice to him was to make sure the evidence he has is substantial, because if just one item in his expose turns out to be lacking or baseless, that is what the public will remember," ani Lacson.

Matatandaang tinanggap ni Pacquiao ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tukuyin ang mga ahensiya at mga tao ng pamahalaan na kinakitaan niya ng katiwalian.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Hangad lamang aniya nila ni Sotto na hindi na humantong sa personalan ang away ng Pangulo at ni Pacquiao.

"It is sad to see two allies and friends have this word war in public. I hope they can stick to the issues and not make their word war become personal," banggit pa ng mambabatas.

Leonel Abasola