Sinagot ni Korina Sanchez-Roxas ang isang netizen na pinulaan ang kalidad ng tsinelas na ipinamigay niya sa mahihirap na bata sa Bulacan, kamakailan.

“Bakit puro mumurahin tsinelas lang binibigay hindi ba pwedeng maayos at matibay na sapatos yun tatagal gamitin. Magbibigay din lang kayo yun mapapakinabangan at pangmatagalan na,” komento ng netizen sa Instagram post ng broadcaster.

Sagot ni Korina: “Kapal mo. Gumastos ka nga para sa Milyon Milyon bata?”

Ilang followers naman ang dumepensa sa host ng magazine program na “Rated Korina.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Puro ka reklamo may naiambag kaba? Yng tabas ng dila mo halatang di ka pinalaki ng mabuting asal…”

“Mabuhay ka Ms. @korina. Continue to bless them and you will be blessed by God at ng iyong followers para sa maraming batang maka pag suot ng tsinelas.”

“Regardless of how big or small help you gave to this children surely this memory will last a lifetime and you will be remembered that once in their life a stranger came to put a smile on their faces. Kudos Rated Korina@korina

“GOD BLESS the children. Thank you for kindness”

“Thank you for being such a blessing for these kids po.”

Sa IG, ibinahagi ni Korina ang ilang kuha sa pamimigay niya ng daan-daang pares ng tsinelas sa Malolols, Bulacan.

Ang full post ni Korina:

“I saw the child running on the hot pavement barefoot, andumi ng paa, parang hindi napapaso ang talampakan. Pero nakatawa parin.

“I remember Pepe en Pilar and I couldn’t imagine them this way.

“Well that’s why Rated Korina continues where Rated K left off. We were in Malolos, Bulacan today. Si Neil, yung bata, nakatitig sa bago niyang tsinelas. Parang di makapaniwala. 150 children went home with a big smile today. Tsinelas lang pero anlaking bagay.

“If you have space in your heart for these kids, we accept donations of rubber slippers for children 2-12 years old and we can pick up. We. Will make sure your kindness reaches those where the help greatly matters. And to those who have donated, THANK YOU. This is what we get to do because of people like you.

“Email for donations:[email protected].”