Mukhang hindi natutuwa ang aktres na si Jean Garcia sa mga post ni Alwyn Uytingco sa social media  na nagdedeklara ng kanyang pagmamahal sa kanyang anak na si Jennica.

Kamakailan lamang, sinabihan ni Jean ang actor ng: “Don’t claim to be sincere, just be it!”

Ito ang komento ng aktres sa Instagra post ni Alwyn, kung saan ito humihingi ng tawad sa kanyang asawa, ang ina ng kanyang dalawang anak na babae.

Tsika at Intriga

Janus Del Prado kay Anthony Jennings: 'Di siya nagpa-victim'

Alwyn at Jennica

Say ni Alwyn kay Jennica: ‘Patawad sa mga pagkakamali ko’

Una rito, lantaran ding binatikos ni Jean si Alwayn dahil sa umano’y pananakit nito sa damdamin ng anak.

Nagpost rin ang veteran actress ng back-to-back quotes sa kanyang Instagram account.

“Genuine sincerity opens people’s hearts, while manipulation causes them to close,” mababasa rito.

Nakasaad pa sa caption ang: “Regrets are illuminations come too late.”

Habang sa isa pang post, nagbahagi naman ang aktres ng words of encouragement para kay Jennica.

“Life is tough, my darling, but so are you.”