Natuklasan kamakailan ng mga siyentista na isang uri ng native mouse na inakalang na-extinct na higit 150 taon na ang nakalilipas, sa isang isla sa Australia.

Nakatulong ang pagkukumpara ng DNA samples sa walong extinct na uri ng daga at iba pang 42 na nananatiling buhay upang matukoy ang existence nito.

Sa resulta ng pag-aaral, natukoy na ang extinct na Gould’s mouse ay kapareho ng Shark Bay mouse na maaaring matagpuan sa ilang isla sa baybayin ng Western Australia.

"The resurrection of this species brings good news in the face of the disproportionally high rate of native rodent extinction," pahayag ni Australian National University evolutionary biologist Emily Roycroft.

Tsika at Intriga

6th anniversary post ni Archie Alemania sa misis niya, binalikan ng netizens

Ayon kay Dr. Roycroft, nagsimula ang extinction ng mga native mouse noong 1788 kasabay ng European colonization.

"It is exciting that Gould's mouse is still around, but its disappearance from the mainland highlights how quickly this species went from being distributed across most of Australia, to only surviving on offshore islands in Western Australia," aniya.

"It's a huge population collapse."

Ang Gould's mouse (Pseudomys gouldii) ay karaniwan uri ng daga at may malaking populasyon noon sa eastern inland ng Australia bago ito sakupin ng Europe, ayon sa NSW environment department.

Ipinangalan ang native mouse na ito sa asawa ng English ornithologist na si John Gould.

Pinaniniwalaan ng mga siyentista na nakaapekto sa pagka-extinct ng Gould’s mouse ang pagdami ng mga pusa sa bahaging ito ng Australia.