Pagtutuunan na lang muna ng pansin ng Gilas Pilipinas ang susunod nilang pagsabak sa FIBA Asia Cup kasunod nang pagkabigo sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) nang matalo ng Dominican Republic, 94-67, sa Belgrade, Serbia, nitong Huwebes ng umaga.
Paliwanag ni coach Tab Baldwin, magpapahinga muna ng maikling panahon ang Gilas squad bago sila magsasama-sama ulit upang paghandaan ang nasabing pinakamalaking torneo sa Asya na gaganapin sa Indonesia mula Agosto 17 hanggang 29.
Posibleng abutin aniya ng tatlong linggo bago sila bumalik sa pag-eensayo.
“I would say around July 20th to the 25th, we will be back with the team in the gym,” pahayag ni Baldwin habang sila ay naghahandang umuwi sa Pilipinas matapos na matanggal sa final qualifier para sa Tokyo Olympics.
Gayunman, inihayag nito na aalamin muna nila ang quarantine protocols para sa mga dumarating na biyahero bago nila planuhin ang susunod na hakbang.
for incoming travellers will have to be determined first according to Baldwin before the entire Gilas squad can plot its next course of action.
“We don’t know what the protocol measures will be, but it looks like it will be back to the Calamba bubble for us at this point. We’ll probably be looking at around July 20th to begin our preparations.I think we’re getting varying degrees of quarantines when we get back, some with vaccinations, some without vaccinations. So we’re not sure when we’ll be able to get back and have a bit of a break and normal life and then get back to work,” sabi pa nito.
Rommel Tabbad