Pinakalma ni Anne Curtis ang Kapamilya fans na inakalang susunod siya kay Bea Alonzo na lilipat sa GMA Network. Dahil ito sa lumabas ang Zoom meeting niya kina Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan ng Kapuso Network.

Sa side ng Viva, present sa Zoom meeting si Viva Artists Agency head Veronique del Rosario-Corpus, si Valerie del Rosario at Vincent del Rosario ng Viva Entertainment. Present din sina June Rufino at director Sigrid Andrea Bernardo.

Pelikula

Sassa Gurl, proud na ibinalandra pagiging ‘mukhang pera’ sa premier night ng Balota

Sa reaction ng Kapamilya fan na “Please tell us na GMA Films lang at hindi ka lilipat sa GMA, sumagot si Anne ng “Hahaha. Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. As always, I need to read thescript first before making a decision. The last viva x gma films I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then. So Kalma Lang.”

Ipinaalala ng Kapamilya fans na nangako si Anne na babalik siya saIt’s Showtimeat hinihintay ng fans ang pagdating ng araw na muli siyang mapanood sa show. Sa ngayon, focus muna si Anne sa pag-aalaga sa baby girl nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia at sa binuksang nilang baby clothing line ng hipag niyang si Solenn Heussaff.

Nitz Miralles