Isang taga-Laguna ang nagwagi ng ₱54 milyong jackpot sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garma at sinabing nahulaan ng mananaya ang six-digit winning combination na 14-25-09-15-06-16 kaya napanalunan nito ang ₱54,420,510.

Nabili aniya ng naturang mananaya ang ticket sa Calamba, Laguna.

 Mary Ann Santiago

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito