Bubuhayin lamang ng pag-aarmas sa mga sibilyan ang "Davao Death Squad" sa nasabing lalawigan.
Ito ang reaksyon ng opposition coalition na 1Sambayanannang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte aarmasan nito ang mga grupo ng sibilyan at anti-crime volunteers upang matulungan ang mga pulis sa paglaban sa kriminalidad sa bansa.
“The initiative of the President to arm civilians is dangerous. It reveals the failure of his administration to fight criminality, on top of EJK (extrajudicial killings) and the recent killings of unarmed civilians,” ayon sa 1Sambayan.
“Is this group any different from the private armies of warlords?,” pagtatanong ng koalisyon.
Isinapubliko ng Pangulo ang hakbang nang dumalo ito sa paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers, sa Camp Crame, Quezon City, kamakailan.
Pagdidiin nito, dapat ang mga kriminal ang apat mamatay.
“No clear structure, no legal basis, and no identified leaders who can be made accountable,” katwiran ng grupo sa nabanggit na plano ng Pangulo.
Sa halip na baril, sinabi ng grupo na ang kailangan ng mamamayan ay magandang pamamalakad sa pamahalaan.
“Our people need food to address hunger, jobs to address poverty, and the observance to the rule of law to address criminality,” paliwanag pa ng grupo.