Muling ini-reset ni Tokyo Olympics-bound pole vaulter EJ Obiena ang hawak niyang Philippine record matapos makasungkit ng silver medal sa Irena Szwewinska Memorial/Bydgosszcz Cup sa Poland, nitong Miyerkules.
Natalon ni Obiena ang baras sa itinaas ng 5.87 meters,upang lagpasan ang kanyang dating rekord na 5.86 meters.
Pumangalawa siya kay American pole vaulter Chris Nilson na nakatalon naman ng taas na 5.92 meters.Nagawang matalon ni Obiena ang 5.87 meters sa loob ng dalawang attempts. Nagtangka rin siyang talunin ang taas na 5.92 meters, gayunman, nabigo ito sa atlong attempt.
Tumapos namang pangatlo ang hometown bet na si Piotr Lisek na nagtala ng 5.82 meters.
Ang susunod na kompetisyon ni Obiena ay ang Bauhas-Galan, isang Wanda Diamond League event na gaganapin sa Hulyo 4 sa Stockholm Olympic Stadium sa Sweden.
Marivic Awitan