Certified plantita talaga itong si Aubrey Miles.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa Instagram ang bagong dagdag sa kanyang koleksyon ng mga halaman. At nalula kami sa presyo ng halamang ito na ayon sa aktres ay dream plant niya.

Sa post ni Aubrey matagal na, aniya, siyang naghahanap ng halamang mostera obliqua.

“Another plant goal this year. Arid and Aroids can really make your dream plant come true. I have to be honest, I’ve been asking around(philippines/abroad) for this MONSTERA OBLIQUA for quite sometime now. Looking for a good price because if you’re a plant person you know how much it cost. Oh well, but why look far here’s arid and aroids so close to me. Hello.”

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Pagbabahagi pa ng aktres, nang makita niya ang halaman ay nagtanong na siya para makapagpa-reserve, pero nang makita niya na nag-iisa na lamang ito ay agad na niya itong binili.

“First day palang inikutan ko na to and I already inquired if I can reserve it pero baka I can wait for the last day pag walang bumili ako na kukuha. No surprise may bumili ng isang pot so only one more pot left, Tumbling . I can’t wait anymore so i told them , Sold to me na baka mawala pa. I swear you can’t really wait, if you want it, get it na.”

Ang presyo ng bagong halaman ni Aubrey umabot ng P250,000. Pero mukhang nakamura pa ang aktres dahil sa pagtatanong niya nasa P350,000 hanggang P450,000 o mas mataas pa ang bentahan ng halamang ito. Wow.

“This is 250k , I’ve asked around and found it to be 350k to 450k and higher. It’s obliqua peruvian, one of the best forms out there. Anyway with collecting plants talaga is never ending. We buy and sell so we can afford our plant goals. Just sharing”

“By the way ARID & AROIDS FESTIVAL IN BAGUIO is extended for another week so check them out at The Manor at Camp John Hay. See you guys here”

Hindi naman napigilan ng followers ni Aubrey na mapa-comment sa presyo ng kanyang halaman.

Say ng isa, “Hala my ganun pala kamahal na halaman.”

Comment ng isa pa, “Para lang sa mayayaman obviously.”

Binati rin ng isang user ang aktres na kanyang bagong halaman, “Yes, Monstera Obliqua is really rare and only plant collectors can acquire it. Good for you Miss Miles!”