Suspendido na ang business permit ng Nexgreen Enterprise, ang pabrikang nagpasahod ng barya sa isa sa mga manggagawa nito, matapos aminin ng may-ari nito na hindi tama ang nagging paraan ng pagpapasahod nito sa kanyang mga empleyado.

Sinabi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na binibigyan nito si Jasper So, may-ari ng pabrika, ng 15 araw upang ayusin ang isyu. At kung hindi ay babawiin nito ang prangkisa ng pabrika.

Nadiskubre ang paglabag ng Nexgreen matapos dumulog sa tanggapan ni Gatchalian ang factory worker na si Russel Manosa makaraang bigyan ito ng P1,056 halaga ng barya, na karamihan ay 5 at 10 sentimos at piso, matapos mag-duty ng 24 oras sa kumpanya.

Gayunman, iginiit ni So sa pulong nit okay Gatchalian na aksidenteng naibigay lamang ang mga barya na nakalaan lamang dapat sa religious offering.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Bukod sa hindi tamang pagpapasahod, inisa-isa rin ng lokal na pamahalaan ng ilan pang paglabag ng kumpanya, kabilang ang:

• Mayor’s permit

• Waiver and/or undertaking

• Article 19 of the Civil Code of the Philippines in relation to Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 537 Series of 2006, when it paid its worker his salary in coins of small denomination more than the limit allowed by law

• Provisions of the Labor Code when it failed to pay the correct minimum wage, non-payment of overtime pay, non-payment of night shift differential, non-payment of holiday pay, and

• Provisions of other legislation for non-coverage of SSS, PhilHealth and PAG-IBIG fund.

Dapat ding makatanggap si Manosa, na nag-resign na sa pabrika matapos ang insidente, ng P55,614.93 sa Nexgreen para sa illegal dismissal at separation pay dagdag pa ang ibang kulang na suweldo at hindi binayarang differential at overtime fee, ayon pa sa Valenzuela LGU.

Joseph Pedrajas