Walang binanggit na pangalan si Jacqui Manzano sa sunod-sunod niyang post sa kanyang Instagram Story, pero dahil laging nababanggit ang “father” at “fatherhood,” ang tingin ng mga nakabasa, ang ex husband niyang si Anjo Yllana ang kanyang tinutukoy.

Anjo

Sinimulan ni Jacqui ang kanyang post ng “Padre de pamilya. I didn’t know I have to be the father and the mother since the father of my children is still alive.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakasingit sa post na ito ang “Tungkulin Ng Isang Ama” at nakasulat ang:

1. Haligi ng tahanan.

2. Naghahanapbuhay upang magkaroon ng ligtas na tirahan, sapat at wastong pagkain, maayos na pananamit, at masayang pagsasama

3. Gawin ang mabibigat na gawain sa bahay katulong ang panganay na anak na lalaki.”

May post pa si Jacqui na “A good father is a man who supports his children even when he has no money.” Sinunan pa ng “The best gift that a father can bestow upon His child is to arrange good education and training for him.”

May post pa siyang “Fatherhood is a lifetime responsibility with its challenges, sweetness and bitternes,” “Kusa Voluntary Responsibility” at tinapos ni Jacqui ang post ng “Being irresponsible runs in your family.”

Hiwalay na sina Anjo at Jacqui, pero magkasama pa rin sila ng bahay para sa mga anak nila. Kaya ang tanong ng netizens, hindi ba sila nagkikita sa kanilang bahay para pag-usapan na lang nila ang kanilang problema at ‘wag nang isapubliko.

Nitz Miralles