Isinailalim ng Department of Health (DOH) – Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang lahat ng tauhan nito sa mandatory drug testing bilang bahagi ng drug-free workplace campaign ng pamahalaan at upang matiyak na ang mga ito ay hindi gumagamit ng iligal na droga.
Ayon kay Theresa Malubag, Senior Health Program Officer at Regional Outcome Manager for Substance Abuse Prevention Program, kabuuang 318 personnel nila ang sumailalim sa drug testing mula Hunyo 9 at 10 at Hunyo 15 at 17, 2021.
Ang confirmatory test ng mga personnel, na sumailalim sa drug testing, ay ipapadala sa regional office sa National Reference Laboratory matapos ang kumpirmasyon.
Pagdidiin naman ni Officer-in-charge Director Paula Paz Sydiongco, ang pagsasagawa ng isang randomized drug testing ay may layuning mapigilan ang mga empleyado mula sa paggamit at pag-abuso ng ilegal na droga.
Mary Ann Santiago