Sunud-sunod ang naging dagok sa buhay ng anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia. Isa na nga rito ay ang failed marriage sa kanyang ex-husband na si Alwyn Uytingco na kanyang kinumpirma. Kasunod nito ay ang pagkamatay ng kanyang lola nang dahil sa COVID-19. Hindi lang iyon dahil maski siya at kanyang mga anak ay nagka-COVID din. Bagsak ang emosyon ni Jennica sa mga nangyaring pagsubok na ito last March. Last May naman close friend naman niya ang pumanaw. Ang Diyos ang naging sandigan ng aktres sa mapait na magkasunod na pangyayari sa kanyang buhay. Ofcourse malamang nandiyan at to the rescue ang kanyang loving mother na si Jean Garcia sa pinagdaanan ni Jennica.
Sa recent virtual interview ng Chika Minute ng “24 Oras” kay Jennica, kita ang pag-asa sa kanyang hitsura kumbaga full of hopes ang aktres sa bagong yugto ng kanyang buhay. Magiging busy na kasi uli si Jennica dahil kasama siya sa cast ng teleseryeng “Las Hermanas” ng GMA-7. Magandang blessing ito sa aktres na kanyang pinasasalamatan. Sey nga niya, “Masaya lang talaga ako sobrang pinagpapasalamat ko sa Panginoon. Because the show came at the right time in my life.” Aniya pa, therapeutic daw para sa kanya ang gagampanan niyang role sa nasabing teleserye na may pagka-palengkera at loud.
Sa situwasyon ngayon ni Jennica iba na ang way of thinking ng aktres at sa mga adjustments niya sa buhay. Sabi niya, “Now that I am a single mom I have to ofcourse take of a lot of things that I wasn’t thinking about before. Iba kasi kapag may katuwang sa buhay na as in you have a partner in life ganyan sa biglang ok so solo parent ka na.”
Inamin din ni Jennica na dumulog siya sa psychologist to seek help sa kanyang pinagdaanan na aminadong malaking naitulong sa aktres. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga friends, social media followers na laging nandiyan para sa kanya at higit sa lahat ang mahal na pamilya ni Jennica. Yun na!