Mayroon nang bagong teknolohiya ang Ospital ng Maynila na tutulong sa mga pasyente na physically challenged o may neurological disorders sa kanilang paggaling.
Katuwang ang Robocare Solutions Inc., nirentahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang anim na unit ng Hybrid Assistive Limb (HAL), ang unang wearable cyborg-type robot sa mundo.
Ang paglulunsad ng robotic rehabilitation technology sa Ospital ng Maynila ay bahagi ng Robotics Rehab program ng lungsod na pinasinayaan nitong Hunyo 29.
Libreng iaalok sa mga pasyente ng Ospital ng Maynila ang HAL.
Maaaring magamit ang robot ng mga pasyente na may spinal cord injury, Parkinson’s Disease, stroke o cerebrovascular accident (CVA), traumatic brain injury, at progressive intractable neuromuscular diseases.
Sa webpage ng Robocare Solutions, sinasabing may kakayahan ang HAL na makatulong na makagalaw ang pasyente at magkapag-exert ng “bigger motor energy than usual.”
Pinalalakas din ng exoskeleton robot ang “functional mobility, over-ground walking, muscle strength, and motor function” ng pasyente.