Pormal nang nadagdag sina Filipina golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan sa listahan ng mga atletang Pinoy na sigurado na ang slot sa darating na Tokyo Olympics.

Ito'y matapos na kumpirmahin ng women's Olympic golf ranking na pasok ang dalawa sa top 60.

Nauna na ang US Women's Open champion na si Saso na nasa no.9 spot sa world rankings at sumunod si Pagdanganan na nasa no.42 spot.

Mayroon na ngayong tatlong golfers na kakatawan sa bansa sa Tokyo Games kasama ang men's qualifiér na si Juvic Pagunsan at 17 kabuuang mga atletang Filipino na sasabak sa quadrennial meet kasama sina pole vaulter EJ Obiena, 2016 Rio Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz, world champion gymnast Carlos Yulo at mga boksingerong sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Irish Magno and Carlo Paalam.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama din nila ang 2018 Asian Games gold medalist sa skateboarding na si Margielyn Didal, isa pang weightlifter na si Elreen Ando, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez, shooter Jayson Valdez, sprinter Kristina Knott at ang judoka na si Kiyomi Watanabe.

Marivic Awitan