Hinamon ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) si boxing icon Sen. Manny Pacquiao nitong Lunes na tukuyin ng boksingero ang mga tiwaling ahensiya ng gobyerno at kung hindi ito magagawa ni Pacquiao, ituturing niyang sinungaling ang senador at hihimukin ang sambayanang Pilipino na huwag siyang iboto sa 2022 national elections.

"Lagi nang sinasabi ni Pacquiao na ang aking administrasyon ay tatlong ulit na kurap kumpara sa nakaraang mga administrasyon," pahayag ng Pangulo sa kanyang lingguhang "Talk to the People".

Dahil dito, hinahamon niya ang boksingero ng suntukan, este na maglahad, ng mga tanggapan na tiwali o kurap. "Point those offices that are corrupt. And let me take care of it. Within one week, I will do something. Wala ka namang sinabi sa nakalipas na mga taon, pero lagi mo akong pinupuri. Ngayon, sinasabi mo na kurap kami. Nasaan ang kurapsiyon? Aling mga tanggapan?

Inamin ni PRRD na naging notoryus ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa kurapsiyon, pero wala siyang nakitang ibang mga ahensiya na bulok at tiwali.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Banta ni Pres. Rody na kapag hindi tinukoy ni Manny ang mga tanggapan o opisyal ng Duterte administrasyon na sangkot sa graft and corruption, kakampanya siya laban kay Pacquiao. "Do it because, if not, I will just tell the people: Do not vote for Pacquiao because he is a liar".

Hindi raw kinukuwestiyon ni Mano Digong ang abilidad ni Pacquiao maging sa punto ng intelektuwalidad o ano pa man. “But if you can’t do that, I will be after you every day. Ibubunyag ko na ikaw ay isang sinungaling. I put you on notice: I will tell all [about you] and I will go against you during the election period. If you don’t do that, you’ll just be another son of a bitch playing some politics.”

Tanong ng kaibigan ko: "Minura ba niya si Pacquiao?" Hindi ko alam kasi nakatulog ako nang siya’y nagsasalita kasama ang mga miyembro ng gabinete tungkol sa Covid-19 pandemic.

Sinabihan pa niya ang boksingerong senador na sakaling ito ay manalong Pangulo sa 2022, akala ba niya ay maglalaho ang kurapsiyon sa Pilipinas.

Si Pacquiao ang pangulo ng kanilang partido, ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.Tinatarget niya ang trono sa Malacanang na babakentehin ni PRRD sa Hunyo 2022.

Sina Pacquiao at Duterte ay matalik na magkaibigan, pero umasim ang kanilang relasyon nang ipahayag ng boksingero na walang ginagawa ang Pangulo sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) gayong nanalo ang Pilipinas sa International Arbitral Court laban sa China na umaangkin sa halos kabuuan ng South China Sea, kasama ang WPS na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Napikon si PRRD sa biradang ito ni Pacquiao kung kaya pinagsabihan niya ang boxing champion na "mag-aral muna" at magsuring mabuti tungkol sa WPS at iba pang mga isyu na may kinalaman sa pandaigdigang mga bagay.

Bert De Guzman