Pinananatili ng gobyerno ang community quarantine sa buong bansa sa magkakaibang antas ngayong Hulyo upang pigilan coronavirus outbreak.

Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang bagong community quarantine status sa bansa na inirekomenda ng government task force na namumuno sa pagtugon ng pandemya, ayon sa Presidential Spokesman Harry Roque.

Mananatili ang Metro Manila, Rizal, at Bulacan sa general community quarantine (GCQ) ‘with some restrictions’ mula July 1 to 15. Habang ang Laguna at Cavite ay sasailalim GCQ ‘with heightened restrictions’ hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.

Ang mga lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), ang pangalawa sa apat na lockdown levels, mula Hulyo 1 hanggang 15 ay ang mga sumusunod:

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

  1. Cagayan
  2. Apayao
  3. Bataan
  4. Lucena City
  5. Puerto Princesa
  6. Naga
  7. Iloilo City
  8. Iloilo
  9. Negros Oriental
  10. Zamboanga del Sur
  11. Zamboanga del Norte
  12. Cagayan de Oro City
  13. Davao City
  14. Davao Oriental
  15. Davao Occidental
  16. Davao de Oro
  17. Davao del Sur
  18. Davao del Norte
  19. Butuan City
  20. Dinagat Islands
  21. Surigao del Sur

Mga iba pang lugar sa ilalim ng GCQ hanggang Hulyo 30 ay ang mga sumusunod:

  1. Baguio City
  2. Ifugao
  3. City of Santiago, Isabela
  4. Nueva Vizcaya
  5. Quirino
  6. Batangas
  7. Quezon
  8. Guimaras
  9. Aklan
  10. Bacolod City
  11. Negros Occidental
  12. Antique
  13. Capiz
  14. Zamboanga Sibugay
  15. City of Zamboanga
  16. Iligan City
  17. General Santos City
  18. Sultan Kudarat
  19. Sarangani
  20. Cotabato
  21. South Cotabato
  22. Agusan del Norte
  23. Surigao del Norte
  24. Agusan del Sur
  25. Cotabato City

Ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay mananatili sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) para sa buwan ng Hulyo.

Sa ilalim ng quarantine rules, sinabi ni Roque na pinapayagan mag-operate ang mga gym at fitness center sa Metro Manila, Rizal at Bulacan na may kapasidad na hanggang 40 porsyento.

Ang operasyon sa indoor sports ay papayagan hanggang 50 porsyento na kapasidad.

Sa tatlong GCQ areas, ang mga museo at historical sites ay maaaring mag-operate hanggang 40 porsyento na kapasidad na papailalim sa minimum health standards. Personal care katulad ng mga salon at beauty clinics ay pinapayagan sa 50 porsyento lamang para sa serbisyong hindi nangangailangang tanggalin ang face masks.

Pinapayagan din ang indoor dining na may 40 porsyento na kapasidad, outdoor dining na may 50 porsyento, at outside tourist attractions na may 50 porsyento na kapasidad.

Sa Laguna at Cavite, inirekomenda ng IATF na ang mga fitness centers, indoor sports, courts, museums at iba pang historical sites ay hindi pinapayagang mag-operate habang nasa GCQ ‘with heightened restrictions.’ Pinapayagan ang indoor dining na may 20 porsyento na kapasidad habang ang outdoor dining ay 50 porsyento.