SABTANG, Batanes— Isa nanamang hinihinalang bahagi ng eroplano ang natagpuan sa baybayin ng Sabtang, Batanes partikular sa Barangay ng Sumnanga.

Nauna rito, isang bahagi rin ng eroplano ang natagpuan sa baybayin ng Ivana, Batanes.

Sabtang PNP/ PRO2

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Iniulat ng residente ng Bgy. Sumnanga ang isang malaking bagay na inanod ng alon sa tabing dagat na agad namang ipinaalam sa pulisya.

Sa panayam, kahapon ngBalitakay PCPT Edison Lagua, hepe ng pulisya, sinabi nitong ang natagpuang parte ng eroplano ay may habang halos apat na metro at dalawang metro naman ang lapad (4mx2m), may kulay sa gilid na pula, asul at puti.

Sabtang PNP/ PRO2

Gayundin, may marka o sulat na hinihinalang Chinese/Taiwanese na Lengguwahe.

Agad namang itinawag ni Lagua sa pamunuan ng Aviation Security Group (AVG) para makapagsagawa ng imbestigasyon sa anumang posibleng insidente ng plane crash.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ni Hon. Jennifer Gabilo, Punong Barangay ng Sumnanga ang narekober na hinihinalang bahagi o parte ng eroplano.