Sinagot ni Donnalyn Bartolome ang isang netizen na bumatikos sa kanya sa pagbili ng isang luxury car.

Sa Facebook, ipinost ni Donnalyn (bagamat blurred ang mukha) ang online user na nagpapakalat umano ng “fake news.”

Nagbabala rin siya na kung hindi ito titigil, ay dadalhin niya ang kaso sa korte upang turuan ito ng leksyon.

“I screenshot your comment, your face, where you work. I can find you and I will put you in your place,” pahayag ni Donnalyn.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Nag-komento ang netizen na “ang yabang” umano ng vlogger sa pagpapakita nito ng kanyang biniling high-end sports utility vehicle na may presyong umaabot ng P8 hanggang 17 million.

Binanggit din ng netizen kung paanong nagagawang makabili nang sasakyan, gayung binabayaan umano nito ang kanyang lola. Tinutukoy ng online user ang isang isyu ilang taon na ang nakalilipas.

“For those confused, 2 years ago, a reckless YouTuber featured a distant relative, a lola, who I took care of and had my contact number to ask for help when she was struggling but chose to let an outsider use my name for attention so that her son talks to her again after her shortcomings,” ani Donnalyn.

Gayunman, sa halip na dalhin sa korte, nagdesisyon na lamang ang aktres na patawarin ito.

“Though it cost me my reputation and also my mental health for 1 year,” saad pa ni Donnalyn. “That’s not why I’m triggered though, it’s the fact that because of what she (the lola) and the YouTuber did, her relationship with her son was permanently damaged. I couldn’t fix it until her last breath. This was painful to bear.”

“Kaya di ka dapat nakekeelam sa problema ng pamilya if you are not a part of it. Wag mo palalain,” dagdag niya. “No to fake news. Be a responsible viewer.”

https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=364564865035091&id=10004444740913

Nagbabala rin si Donnalyn sa mga magsusulat ng libelous articles tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya.

&t=4s