Isang dosena ng pinakamaliit na baboy sa mundo ang pinalaya sa wild sa northeastern India bilang bahagi ng conservation programme upang mapataas ang populasyon ng species na unang inakalang extinct na.

Nabubuhay ang pygmy hog, na may scientific name na porcula salvania, na matataas na wet grasslands at minsang natagpuan sa bahagi ng Himalayan foothills sa India, Nepal at Bhutan.

Taong 1960s nang tuluyang bumaba ang populasyon na ito, na ikinabahalang na-extinct na hanggang sa muli itong matuklasan sa northeastern state ng Assam sa India noong 1971, ayon sa mga conservationists.

Taong 1993, naging limitado ang uri nito sa ilang bahagi ng Manas National Park sa Assam, na katabi ng Bhutan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Bahagi ng Pygmy Hog Conservation Programme, ang ilang organisations publiko at pribado, na nagtatag ng captive breeding scheme gamit ang anim na baboy noong 1996 upang subukang maparami ang kanilang populasyon.

"This time we are releasing 12 pygmy hogs including seven male and five female," pahayag ni programme field scientist Dhritiman Das sa AFP sa release site ng Manas National Park.

Walo sa mga pygmy hog ang pinakawalan sa Manas nitong Martes habang apat pa nitong Sabado.

Binabantayan ng programa ang nasa 70 captive hogs at pinararami upang mapakawalan din.

Tinatayang nasa 250 lamang ang populasyon nito sa wild.

"In next four years, we target to release 60 hogs... so that they can build their own population in the wild," anila.

Agence-France-Presse