Pagkagaling sa isang inuman, sinunog ng 18-anyos na lalaki ang bahay ng kanyang ina habang naka-Facebook live, matapos itong magalit sa kanyang live-in partner na tumanggi umano na pasusuhin ang kanilang tatlong buwan na sanggol nitong Biyernes, Hunyo 25 sa Bgy. Abognan, Taytay, Palawan.

Raymond Estrosas is seen on this screenshot with his mother’s burning house behind him in Brgy. Abongan, Taytay, Palawan. (MANILA BULLETIN)

Sinabi ni Fire Officer 3 Ericson Fernandez ng municipal fire station na nakipagtalo si Raymond Estrosas sa kanyang live-in partner noong Huwebes ng gabi, Hunyo 24.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tinawag ng babae ang kanyang ama para iuwi siya ng Biyernes ng umaga upang makalayo sa galit ng kanyang asawa.

https://youtu.be/hz-euabBTrA

“Pero bago ‘yan, may mga maliliit na away pa before. Kaninang umaga, sinundo na ng tatay ang babae at iniuwi na sa bahay nila,” sinabi ni Fernandez.

Dahil sa pagkadismaya, nagpakalasing umano si Estrosas at sinunog ang bahay ng kanyang ina na kung saan sila nakatira ng kanyang partner, mga dakong 9:00 ng umaga nitong Biyernes.

Masuwerte namang agad napigilan ng kanyang tiyahin ang sunog bago pa ito lumaki at ilang mga personal na gamit lamang ang naapektuhan.

Gayunaman, makalipas ang tatlong oras dakong 12:00 ng tanghali, habang nasa impluwensiya ng alak, nagawang sunugin ni Estrosas ang kanilang bahay habang naka-Facbook live pa. Walang nakapigil sa ginawa ni Estrosas dahil sa pagbabanta nito sa mga pipigil sa kanya.

Nasa kostudiya na ng pulisya at municipal fire station si Estrosas at hinihintay ang desisyon ng pamilya kung sasampahan ito ng kasong arson.

Ang arson ay parurusahan ng habambuhay na pagkabilanggo sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

“Mataas pa kasi ang emosyon ng nanay sa ngayon, maguusap pa silang pamilya, dahil ang arson kasi ay habang buhay na pagkabilanggo ‘yan. So maghihintay lang kami,” ayon kay Fernandez.

Tinatayang aabot sa P35,000 hanggang P40,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.

Tristan Lozano