Hindi man tuwirang binatikos ni Senador Panfilo M. Lacson ang madugong kampaniya ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa ilegal na droga, ipinakita niya ang kahalagahan ng “prevention” at “rehabilitation” sa pagsugpo rito na tila nakalimutan na bigyang pansin ng mga magagaling nating drugbusters. Sa halip kasi na i-rehabilitate ang mga hinihinalang mga adik at drug pusher na pawang mga mukhang dagang dinding, tumimbuwang na lamang ang mga ito at pinagtatakpan ng diyaryo sa mga iskinita at kalsada.

Isa lamang ang droga sa tinukoy ni Senador Lacson na limang pangunahing suliranin ng bansa sa ilalim ng Duterte administration, lalo na nang manalasa ang pandemiyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nagpadapa sa ekonomiya ng ating bansa.

Kasama sa tinuran ni Lacson na mga problema ay ang – peace and order; corruption, economy, at foreign policy, partikular ang nauugnay sa West Philippine Sea. Isa-isang tinalakay ni Lacson ang mga problemang ito sa weekly news forum na Balitaan sa Maynila kaninang (Linggo) umaga, na kaming dalawa ni Angelo Almonte ang moderator.

“After five years, where are we now, or what is the situation in the many aspects of his administration such as peace and order, fight against illegal drugs, corruption, economy, and foreign policy, particularly the West Philippine Sea? We want to hear what happened in the last five years – and moving forward for the last year of his administration, what can still be done?” ani Lacson

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pinilit namin ni partner Angelo na masalakab para umamin si Lacson na tatakbo siya bilang Pangulo ng bansa sa darating na 2022 election, pero nabigo kami. Lalong lumalim ang aming hinala na totoo ang tsismis nang banggitin niya ang pangalan ni Senate President Vicente C. Sotto III’s – nababalitang ang kanyang makaka-tandem bilang VP sa paparating na eleksyon – na pareho silang naniniwala sa kahalagahan ng “prevention and rehabilitation” sa pakikibaka ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ikinuwento pa ni Lacson ang naging papel ng mga Los Angeles-based DARE International, para i-train ang ating mga operatiba sa pagtuturo sa mga estudyante, hinggil sa masamang maidudulot ng droga sa kanilang kalusugan. Ito ay bilang bahagi ng tinatawag na Drug Abuse Resistance Education (DARE) na isinusulong sa mga paaralan.

Nabanggit niya rin na karamihan sa mga napapatay na sinasabing “notorious drug pusher” ay pawang naka-tsinelas lamang at mga mukhang gusgusin – malayo sa hitsura ng mga totoong bigtime drug lord na mga “untouchable” pa rin hanggang sa kasalukuyan.

May mga katanungan si Lacson hinggil sa kalagayan ng bansa, na inaasahan niyang masasagot ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa panghuling State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 26. Ang ilan sa mga ito ay: “Ano ang kalagayan ng programa ng gobyerno sa pagbabakuna laban sa COVID-19, at ang pakikipaglaban sa katiwalian?; Mas bumuti ba ang buhay natin ngayon mula nang mag-umpisa ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016?; Ano pa ang puwede niyang gawin sa nalalabing panahon ng kanyang termino?”

Medyo may pagdiriin si Lacson sa katanungan niya kaugnay sa programa ng administrasyon sa pagbabakuna: “But it is critical to update us on the government’s response to the pandemic. This includes the status of the government’s vaccination program. This is important because many Filipinos still do not trust the vaccine. In the meantime, the government must continue its campaign to gain the people’s trust in vaccines, based on science.”

Naniniwala rin si Lacson na makatutulong ng malaki ang “digitalization” laban sa corruption: “Digitalization will vastly improve revenue collections and make more effective and efficient monitoring of public expenditures.”

Naikuwento rin niya ang pakikipag-usap sa mga eksperto sa digitalization sa ibang bansa -- tulad ng Estonia at Ukraine - na labis nang nakikinabang dito, pati na rin sa agrikultura. Aniya: “We should consider these. In this age of modern technology, we should be in the process of digitalization. It is not too late, but we should act soon.”

Sang-ayon ako sa sinabing ito ni Senador Lacson. Nakararamdam ako ng lungkot na may halong pagtataka naman, dahil sa wari ko’y sadyang ayaw umabante ng ilang nakaupong opisyal ng pamahalaan ang kanilang pagseserbisyo gamit ang “digitalization” – dahil siguradong mababawasan, kundi man tuluyan nang matitigil ang kanilang mga pangungurakot sa kaban ng bayan.

Sa pagtatapos ng news forum may biglang nagpahabol ng tanong na taga-media kung ano ang reaksyon nito sa lumabas na balita mula sa Palasyo, na kinukusindera ang pag-aarmas sa mga “qualified civilians” na mag-armas laban sa kriminalidad sa buong bansa.

Ang malumanay pero madiin na tugon ni Lacson, na naging pinuno ng Philippine National Police (PNP) noong Estrada Administration, ay ang mas istrikto na panuntunan sa pagpapahintulot sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan, o maaring pagkansela sa Permits to Carry Firearms Outside Residences (PTCFORs), ang mas epektibong solusyon sa patuloy na paglaganap ng krimen, kumpara sa pag-armas ng sibilyan.

Dagdag pa niya: “Arming civilians to fight criminality could backfire, especially if they don’t have the proper training and mindset. In the United States, there have been so many fatal shootings due to loose firearm laws.”

Sa huling pagtatanong namin sa Senador kung tatakbo siya o hindi sa 2022, ang mariing sagot niya: “Very insensitive naman para pag-usapan natin ito lalo na’t nasa gitna pa tayo ng pandemiya.”

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa:[email protected]