Sa unang pagkakataon, isang Filipino-American trans woman ang sasabak sa Miss USA 2021 pageant sa Nobyembre 29.

Ito’y matapos makuha ni Kataluna Enriquez ang korona ng Miss Nevada USA nitong Hunyo 28, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging kinatawan ng estado sa Miss USA 2021 beauty pageant.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sakaling magwagi bilang Miss USA 2021, tutuloy siya sa 2021 Miss Universe Competition na inaasahang idaraos sa Disyembre 2021 o Enero 2021.

Hinigitan ni Kataluna, 27-anyos, ang nasa 21 kandidata para sa titulong Miss Nevada USA.

Kung magwagi, si Kataluna na ang ikalawang trans woman na magiging kandidata para sa Miss Universe contest, na unang nilabanan ni Angela Ponce ng Spain noong 2018.