Duterte sa problema sa illegal drugs sa PH: "Never-ending one"

Tahasang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang problema ng bansa sa iligal na droga ay "never-ending one" o hindi kailanman nalulutas.

Inilabas ng Pangulo ang reaksyon matapos ang limang taon nang ilunsad ng kanyang administrasyon ang pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs.

Nangangamba rin si Duterte na posibleng makontrol ng mga narco-politician ang bansa kapag tuluyang hindi nareresolba ang problema.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate who will run for governor in the local areas, who run for the mayor. It’s narco-politics,” paglalahad ni Duterte nang magtalumpati ito Camp Came kaugnay nang paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers na may layuning makabuo ng matatag na relasyon sa komunidad bilang suporta sa kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad at terorismo, nitong Hunyo 25.

Sa datos ng #RealNumbersPH na pinangangasiwaan ng pamahalaan, nakapagsagawa ang pulisya ng 200,632 anti-illegal drug operations na ikinaarestong 289,622 drug dependent at ikinamatay ng 6,117 katao mula noong Hulyo 1, 2016.

Aabot din₱60 halaga ng illegal drugs ang winasak, bukod pa sa paglansag sa 784 drug den at shabu laboratory sa buong bansa.

“This is the one side story of people said 7,000 killed. Well, that was – five years I started to declare war (against illegal drugs). But the other side is how many policemen and soldiers did I lose? Aplenty,”  pagtatanong pa ni Duterte.

PNA