Baler, AURORA - Dahil sa hirap, pang-aabuso at korapsyon sa loob ng kilusan, nagpasyang sumuko sa gobyerno ang dalawang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa lalawigan, kamakailan.
Ayon sa militar, kinilala lamang ang dalawa sa kanilang alyas na "Ka Max" at "Ka Dodong," pawang miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla Sierra Madre (KLG-SM) ng Sentro de Gabridad (SDG Platoon ng NPA.
Paliwanag naman Lt. Col. Reandrew Rubio, commander ng 91st Infantry “Sinagtala” Battalion ng Philippine Army (PA), pormal na sumuko ang dalawa sa kanilang headquarters sa Barangay Calabuanan sa nasabing bayan, sa tulong na rin ng mga tauhan ng 1st Aurora Provincial Mobile Force Company (APMFC), Baler at ng Maria Aurora Police Station.
Sa interogasyon ni Rubio, inamin ng dalawa na nagpasyang silang magbalik-loob sa pamahalaan sa kagustuhang bumalik sa mapayapang pamumuhay, kasama ang kanilang pamilya.
Matinding hirap din anila ang naranasan ng mga ito sa kilusan, bukod pa ang pang-aabuso at korapsyon.
PNA