Sa pagyao ni dating Pres. Benigno Aquino III, higit na kilala bilang PNoy, sa edad na 6l, hindi lang ang Pilipinas ang nagluksa kundi maging ang iba pang mga bansa.

Kabilang sa nakiramay sa pagyao ng binatang Pangulo si US President Joe Biden, na nagturing sa anak nina ex-Pres. Cory Aquino at ex-Sen. Ninoy Aquino, bilang "a valued friend and partner to the United States."

Sinabi ni Biden na tumalo sa bilyonaryong Donald Trump na si Aquino ay laging maaalala dahil sa paglilingkod sa Pilipinas “with integrity and selfless dedication.”

Sa wikang English, ganito ang pahayag ni Joe Biden: “President Aquino’s steadfast commitment to advancing peace, upholding the rule of law, and driving economic growth for all Filipinos, while taking bold steps to promote the rules-based international order, leaves a remarkable legacy at home and abroad that will endure for years to come."

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon sa 78-anyos na pangulo ng Amerika, lagi niyang pinahahalagahan ang paglilingkod kasama siya kung kaya ipinaabot niya ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya. “I greatly valued our time working together, and I extend my heartfelt sympathies to his family and to all who will mourn his absence".

Ang pakikipag-alyansa ng US sa PH ay lalong tumibay at lumakas sa ilalim ng administrasyon ni Aquino, pero nagkaroon ito ng lamat sapul noong 2016 nang nahalal si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Ipinasiya ni PRRD na isulong ang isang independent foreign policy na hindi laging nakasandal ang ‘Pinas sa bansa ni Uncle Sam. Nakipagkaibigan siya sa China at Russia.

Noong 2012, bumisita si Aquino sa US at nagkaroon ng isang bilateral meeting sa noon ay President Barack Obama. Noong 2014, nagpunta sa Pilipinas si Obama para sa dalawang-araw na state.

Sa official guestbook ng Malacañang, sumulat si Obama ng “Thank you” note kay Aquino at sa mga Pilipino dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya. Idinagdag niya: “May America’s oldest alliance in Asia always be renewed by our friendship and mutual respect.”

Si Biden ay nagsilbing US vice president mula 2009 hanggang 2017 sa ilalim ni Obama. Nilagdaan ni Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagkakaloob sa US ng increased military presence sa Pinas sa pamamagitan ng "rotation of ships and planes for humanitarian and maritime operations."

Noong 2016, pinal na ipinasiya ng Supreme Court na ang kasunduan (EDCA) ay hindi lumalabag sa Constitution. Kilala si Aquino sa pagsusulong ng mga reporma sa ekonomiya, pagbibigay-halaga sa transparency sa governance, at pagtindig laban sa China hinggil sa sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Samantala, inihayag ng mga kapatid ni babae ng yumao na ang dating Pangulo ay namatay dahil sa renal disease secondary to diabetes. Madalas siya sa pagamutan bago pa sumulpot ang pandemic.

Idineklara ni PRRD ang Hunyo 24 hanggang Hulyo 3 bilang Pambansang Pagluluksa dahil sa pagyao ni Pres. Aquino. Nagpaabot siya ng pakikiramay sa Aquino family. Nanawagan siya sa mga Pilipino na igalang ang damdamin ng mga Aquino dahil sa pagyao ni PNoy. Sinabi rin niyang dapat iwaksi ang pulitika at di-pagkakaintindihan sa pagkamatay ni Aquino.

Bert de Guzman