DHAKA, Bangladesh – Hindi bababa sa pitong katao ang patay habang nasa 50 pa ang sugatan matapos ang isang malakas na pagsabog na sumira sa tatlong palapag na gusali sa central Dhaka nitong Linggo, na hinihinalang dahil sa gas pipeline.

Ayon sa awtoridad, sa sobrang lakas ng pagsabog ay winasak nito ang mga bintana ng apat na dumadaang bus, at sugatan ang mga sakay nito.

Sa pagbabahagi ni Dhaka police chief Shafiqur Rahman, sinabi nitong hindi bababa sa pitong katao ang namatay sa pagsabog, habang nasa 50 ang sugatan.

“Fire service officers are at the scene. They will investigate the reason of the explosion. But primarily we believe methane gas accumulated and concentrated in the pipeline and then exploded in the ground floor,” pahayag ni Dhaka Metropolitan Police Joint Commissioner Syed Nurul Islam.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Agad namang ibinasura ang anggulo ng foul play, sa pagsasabing ilang beses nang nagkaroon ng ganitong pangyayari sa bansa.

Sa salaysay ng mga saksi, gumuho ang gusali-na mayroong isang restaurant, electronics shop at ilan pang tindahan dahil sa pagsabog.

Maging ang katapat na gusali ay napinsala rin sa pagsabog, ayon sa awtoridad.

“At least four of the injured are in critical condition,” ani Samanta Lal Sen, doctor sa Sheikh Hasina Burn Hospital.

Rumesponde rin sa lugar ang police bomb disposal unit.

“We are analyzing the nature of the explosion as the ground floor of the building was destroyed,” pahayag ni unit leader Rahmatullah Chowdhury sa The Daily Star.

Agence-France-Presse