Pinaiimbestigahan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang ulat na nakatakas at nakalabas na ng bansa ang pinaghihinalaang drug lord na si Peter Lim.
Sinabi ni Año na nakipag-ugnayan na siya sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agency upang pangunahan ang pagsisiyasat.
Matatandaang kabilang si Lim sa mga kinasuhan ng Department of Justice dahil umano sa pakikipagsabwatan sa mga drug syndicate sa pagbebenta ng iligal na droga noong 2018.
Isinasangkot din si Lim sa pagsu-supply ng illegal drugs sa Espinosa drug syndicate mula 2013 hanggang 2015.
Dati nang naglaan ang pamahalaan ng pabuyang P500,000 para sa ikaaaresto ni Lim.
Jun Fabon