Aminin man o hindi ay tiyak na papasukin ng ilang artista ang politika sa halalan 2022. Isa sa matunog na lumulutang ang pangalan ay si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sa kabila ng pagiging artista maganda ang track record ng actor partikular sa mga isinusulong na advocacies.

Noong ipagdiwang ang ikatlong anibersaryo ng “Amazing Earth,” nilinaw ni Dingdong na wala siyang planong maging bahagi ng magulong larangan ng politika kahit anong posisyon. Aniya, ni hindi nila ito pinag-uusapan ni Marian. Hindi din totoo na may grupong hinihikayat siyang tumakbo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dingdong

Pwede naman daw siyang magsilbi bilang ordinaryong mamamayan. Sa pagpapatuloy ng kanyang advocacies ay layon ng aktor na maging good example para sa mga kabataan.

Itinampok sa Amazing Earth ang dokumentaryong Seven Worlds, OneE Planet kasama ang kilalang narrator David Attenborough. Napapanood ang Amazing Earth tuwing Linggo at 7:40 ng gabi.