Naglaan ang Commission on Elections Special Bids and Awards Committee (Comelec-SBAC) ng P55 milyon upang makakuha ng Automated Election System (AES) Certification System ng International Certification Entity para sa darating ng eleksyon sa Mayo 2022.

Comelec/MB

“The Comelec intends to apply the sum of P55,000,000 being the Approved Budget for the Contract (ABC) to payment under the contract for the Procurement of AES Certification Services by an International Certification Entity for the 2022 National and Local Elections through employment of Limited Source Bidding (LSB),” ayon sa Comelec.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Dagdag nito, ang mga bid na natanggap sa ABC ay awtomatikong tatanggihan sa Bid Opening.

“Pursuant to Section 49 of the 2016 Revised IRR of RA 9184, the Comelec invites the following Pre-Selected International Certification Entities, as approved by the Commission En Banc on April 28, 2021 and acknowledged by the Government Procurement Policy Board on May 21, 2021, to submit bids for the subject procurement: PRO V & V, SLI Compliance, and TUV Rheinland Philippines, Inc,” sinabi ng poll body

“The Pre-Selected International Certification Entities (Bidders) should have completed, within the past six years from the date of submission and receipt of bids, a contract similar to the Project. Similar in nature shall mean contracts involving certification of a public automated election system,” dagdag pa nito.

Sinabi ng Comelec, ang kumpletong Bidding Documents ay maaari makuha na ng pre-selected international certification entities sa SBAC Secretariat Office sa Comelec Annex Building, Intramuros, Manila mula Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m to 5 p.m.

Ang online pre-bid conference ay gaganapin sa Hulyo 7, 10:00 ng umaga sa pamamagitan ng Microsoft Teams.

Ang pagbubukas ng mga bids ay sa Hulyo 19, 10:00 ng umaga sa pamamagitan ng Microsoft Teams.

Ayon sa Comelec, ang deadline ng submission ng bids ay sa Hulyo 19, 8 a.m., na isesend ng mga bidders sa SBAC Secretariat ([email protected])

Base sa Government Procurement Law, ang LSB ay maaaring gamitin sa “procurement of highly specialized types of goods and consulting services, where only a few suppliers or consultants are known to be available, and such that resorting to the competitive bidding method will not likely result in any additional suppliers or consultants participating in the bidding.”

Sa kasalukuyan, ang Poll Automation Law ay nagsasaad na ang AES ay dapat suriin at patunayan ng isang established international certification entity na hindi lalagpas sa tatlong buwan bago ang araw ng halalan.

Leslie Ann Aquino