Kinailangan linawin ni Sharon Cuneta na hindi siya naaksidente dahil may kumalat na balitang habang nasa Amerika, naaksidente siya at marami ang nag-alala.

“Sorry po hindi na ako nakapag-ayos dahil medyo urgent. Kasi po may tumawag sa amin dito. ‘Yung team ko po ay nag-panic dahil may balita raw po diyan na kami ay naaksidente. I just want you to know in case narinig niyo po ako at kayo po ay nag-alala, hindi po totoo ‘yun. So please relax,” pauna ni Sharon.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

“Hindi ko po alam kung bakit may mga taong wala po talagang magawang mabuti. So don’t worry. I am okay. I am so tired because I did so much today. But I am in my hotel room safe and sound... Please continue praying for our safety and please don’t worry. There’s no truth to the tsismis. Okay? We are okay, I love you guys and I miss you. God bless you.”

Samantala, sinagot ni Sharon ang netizen na nagsabing “plastic” ang pakikiramay niya sa Aquino family sa pagpanaw ni former President Noynoy Aquino dahil parang hindi raw siya seryoso at short ang mensahe ng pakikiramay niya.

Sagot ni Sharon, “Bakit negative agad ang reaction n’yo. Ang pakikiramay kailangan nobela? ‘Di ko agad nalaman na namayapa na si PNoy. Nasa Amerika ako okay? Pinsan ko ang naunang nagsabi sa akin hindi si Kiko. Si Kakie kaninang umaga lang ako minessage.”

Ni-repost naman ni Sharon ang post ng anak na si Frankie Pangilinan patungkol sa pagpanaw ni PNoy. Black and white photo ang ginamit ni Frankie na makikitang bata pa siya.

Sabi ni Sharon, “My Kakie wrote this. I don’t have to say much... I don’t have much to say in fact, as it is such a sad time for our country, having lost such a desiccated and true public servant who made the Philippines shine in the eyes of the world, and kept the light and fire of hope burning... Frankie’s thoughts encapsulate what our whole family is feeling at the moment... Once again, our deepest condolences to his family, his people, and (hopefully not forever) to Democracy... R.I.P. PNoy...”

Nitz Miralles