Ang dialysis ay isang proseso na kung saan iniiwasan nito ang pagtaas ng toxins sa dugo sa delikadong lebel.
Kapag malusog ang isang tao, ang kidney nito ay kayang magsala ng mula 113 hanggang 142 na litro ng dugo kada araw. Ngunit kapag nagkasakit sa bato ang isang tao, hindi masasala ng mabuti at maiipon ang dumi sa dugo na maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan.
Ang paglaktaw ng dialysis ay lubhang mapanganib at maaaring maging sanhi ng problema.
Magkakaroon ng extra fluid ang kidney sa mga oras na hindi nakapag dialysis. Maaari pa rin naman ito tanggalin sa oras na magpadialysis ngunit ito ay mas magiging mahirap sa isang pasyente.
Ang pagtanggal ng mga extra fluid ay maaaring magdulot ng cramping, sakit ng ulo, low blood pressure, o pagduduwal.
Ang kidney ay responsable para makontrol ang blood pressure para maging balanse ang potassium at phosphorus sa katawan. Kapag nalaktawan ang dialysis, maaaring tumaas ang lebel ng 2 mineral na ito na magiging sanhi ng: problema sa puso tulad ng arrhythmia at atake sa puso, pagkamatay, at mahinang buto.
Kapag nalaktawan ang dialysis treatment, mararamdaman ng pasyente ang epekto ng fluid overload, kasama na ang mahirap na paghinga dahil sa likido sa baga.
Matatandaang ibinahagi ni Miguel Aquino Abellada, anak ng kapatid ni Noynoy na si Pinky, sa isang panayam ng GMA News na nalaktawan nito ang dalawang dialysis session dahil sa hindi magandang pakiramdam habang inihahanda ang sarili para sa kidney transplant dahil sa sakit na renal disease sanhi ng diabetes.