BAGUIO CITY - Siyam na pu't walong police trainee na mula sa Philippine Public Safety College of the Police Training Institute, Cordillera Administrative Regional Training Center (CARTC) sa Teacher's Camp, Baguio City ang nahawan tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Dahil dito, kaagad na lumiham si Mayor Benjamin Magalong kay Lt. Col. Miguel Guzman, training officer, na suspendihin ang lahat ng aktibidad, training at events, upang maisagawa ang contact tracing at disinfection sa lugar.

Kasalukuyang nasa 197 ang kabuuan ng police trainee mula sa iba't ibang lugar na nakatakda sanang mag-graduate sa kanilang training.

Inatasan din ni Magalong ang center's safety officer na makipag-coordinate sa contact tracing team ng lungsod upang mapadali na masuri ang beat personnel para sa testing, isolation at quarantine.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

"Mananatili munang nakasara ang CARTC habang isinasagawa ang contact tracing at isolation sa mga nag-positibo sa virus," pahayag ni Magalong sa isang pulong balitaan nitong Biyernes ng hapon.

Inaalam pa aniya nila kung kanino nanggaling ang virus na humawa sa ibang trainees.

Napaulat aniya na isa sa trainee na galing sa ibang lugar ang idinaaan sa Baguio City Triage Center ang isinailalim sa Anti-Gen testing at ito ay nag-positibo, gayunman, napag-alamang nakahawa na ito ng kanyang mga kasamahan.

Zaldy Comanda