Iniwan ng Gilas Pilipinas ang tatlo nilang manlalaro nang umalis sila ng bansa patungong Serbia nitong Huwebes upang sumabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) na magsisimula sa Hunyo 29.

Binanggit ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), mabigat man sa kanilang kalooban ay kinailangan nilang iwan si Lebron Lopez bilang pinakahuling manlalaro na na-cut mula sa nalabing 15-man pool.

Nangunguna sa koponang makikipagsapalaran para sa Tokyo Olympics berth sina naturalized player Angelo Kouame, Dwight Ramos at Kai Sotto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakasama din sa final 12-roster sina RJ Abarrientos, Justine Baltazar, Geo Chiu, Isaac Go, Jordan Heading, William Navarro, Mike Nieto, Carl Tamayo at SJ Belangel.

Nauna nang ibinawas sa Philippine squad sina Javi Gomez de Liaño at Jaydee Tungcab.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) hindi rin madali sa kanila na iwan ang 16-anyos na si Lopez. Gayunman,kinailangan nila itong gawin at ibigay ang slot nito sa mas matangkad sa kanya na puwedeng bumantay sa malalaking manlalaro namakakatunggali nilang Serbia at Dominican Republic squads.

“At this stage and with the strict FIBA protocols, it is very challenging to bring LeBron to Serbia for the experience of being part of the travelling pool learning more from his experienced Gilas brothers,” pahayag ni SBP special assistant to the president Ryan Gregorio.

Marivic Awitan