SURFSIDE, United States – Biglaang gumuho ang bahagi ng isang high-rise oceanfront apartment block malapit sa Miami Beach nitong Huwebes, na pumatay ng isa habang umakyat na sa 159 ang unaccounted, sa gitna ng pangamba na posibleng tumaas pa ang bilang habang nagkukumahog ang mga rescuers na may mailigtas mula sa guho.

Hindi pa tiyak ang bilang ng mga residenteng pinangangambahang natutulog sa 12-palapag na gusali, sa Surfside, nang mag-collapse ang malaking bahagi nito.

“We do have 120 people now accounted for, which is very, very good news. But our unaccounted for number has gone up to 159,” pahayag ni Miami-Dade County mayor Daniella Levine Cava.

“One side of the building just fell completely. It doesn’t exist anymore,” pahayag ni Nicolas Fernandez, 29, Argentinian resident ng Miami na isa sa may kamag-anak na tumutuloy sa gusali.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“I don’t know about them. I don’t know if they are alive,” pagbabahagi nito sa AFP.

Ayon sa awtoridad wala pa silang balita sa 159 na taong posibleng nasa loob ng apartment building nang maganap ang pagguho.

“That could be for different reasons, we’re still in the early stages,” pahayag ni Freddy Ramirez, director ng Miami-Dade Police Department.

Sa huling ulat nasa 102 nabilang na nakaligtas.

“So we are all praying. We are all crying. We are all here with the suffering families,” ani Levine Cava.

Nasa 18 Latin American nationals ang kabilang sa mga nawawala, ayon sa konsulado ng bansa.

Isa naman ang kumpirmadong namatay habang nasa 14 ang survivors na nailigtas mula sa guho.

Ayon sa local reports itinayo ang gusali noong 1981 at may mahigit 130 units sa loob.

Sa isa pang ulat sinasabing may konstruksiyon na ginagawa sa bubungan ng gusali, bagamat hindi pa umano malinaw ang dahilan ng biglaan nitong pagguho.

Agence-France-Presse