Ibinahagi kamakailan ng aktres na si Yam Concepcion ang behind-the-scenes photos ng kanyang engagement sa US-based longtime boyfriend niyang si Miguel Cu Unjieng.

“A thousand cranes YES (ring emoji) @mrcuu,” caption ni Yam sa proposal pictures na naganap sa Niseko, Japan.

'Crossover ng BQ at PS?' Piolo, Coco magsasama sa isang proyekto

Nakasulat din ang “12.31.18 11:59pm,” na pahiwatig ng petsa nang ibigay niya ang yes sa kasintahan—na isang minuto bago ang Enero 1, 2019.

Inulan naman ng pagbati mula sa kasamahan sa showbiz si Yam, kabilang sina Mica Javier, Vickie Rushton, Adrian Alandy, Ramon Bautista, Dionne Monsanto, Phoebe Walker.

Komento ni Joseph Marco: “Congrats Yam! Really happy for you! (heart emoji).”

Si Ces Drilon naman: “best wishes !!!!!! (heart emojis).”