Nag-abot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III at nagpahayag ng pagpapahalaga sa kanyang serbisyo sa mga Pilipino.

In this file photo, President-elect Rodrigo Roa Duterte and outgoing President Benigno S. Aquino III meet at the President’s Hall Sala for a courtesy call before the formal inaugural ceremony on June 30, 2016. (Malacañang)

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Si Aquino, pang 15 na pangulo ng bansa na nanguna sa“Daang Matuwid” campaign upang labanan ang katiwalian sa gobyerno, ay pumanaw nitong Huwebes sa edad na 61.

“We commiserate and condole with the family and loved ones of former President Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III as we extended our condolences on his untimely demise,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa isang televised press briefing nitong Huwebes, Hunyo 24.

“We are grateful for the former President for his contribution and services to the country. We ask our people to offer a prayer for the eternal repose of the former chief executive. Rest in peace, Mr. President,” dagdag niya

Bago basahin ang pahayag ng Palasyo, humiling si Roque ng isang sandaling katahimikan upang manalangin kay Aquino. Naalala rin niya ang simpleng pamumuno, kampanya laban sa katiwalian at maging ang patakaran laban sa wang-wang ni Aquino.

Ayon kay Roque, ang yumaong Pangulo ay maaaring mailibing sa Libingan ng mga Bayani ngunit nasa pamilya ang desisyon tungkol sa bagay na ito.

Sa sinasabing online bashing sa pagkamatay ng dating pangulo, umapela si Roque sa kinauukulang partido na magpakita ng respeto sa pamilyang Aquino.

Genalyn Kabiling