Pumanaw na ang kilalang television host-comedian na si Shalala (Carmelito Masagnay Reyes sa totoong buhay) sa edad na 61.

Ito ang inanunsiyo ng entertainment journalist MJ Marfori sa Twitter ngayong Hunyo 23.

Ayon sa mga ulat, namatay si Shalla dulot ng pulmonary tuberculosis.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Nitong Hunyo 22, isinugod ang komedyante Fe Del Mundo Medical Center sa Quezon City, kung saan ito ni-revived ng ilang oras. Gayunman, pumanaw rin ito ngayong Hunyo 23.

Kanilala sa mundo ng showbiz si Shalala bilang sidekick ng namayapang si German Moreno sa panggabi nitong variety show na “Walang Tulugan” sa GMA.

Kalaunan, lumabas si Shalala sa ilang programa sa ABS-CBN td TV5. Huli siyang napanood sa telebisyon sa show na “Pepito Manaloto” (GMA-7), “Wag Po!” (TV5), “Fill In The Blanks” (TV5); at “Chika Besh” (TV5).

As of writing, hindi pa inilalabas ang detalye ng burol para sa komedyante.